Almusal
Bilisan na ang pag-uunat-unat paggising sa umaga,
Pagtapos diretso na sa mesa, simulan na ang piyesta;
Kuhanin na ang tinapay at ihanda na ang palaman,
Simulan na ang pagkain ng tayo’y magkaalaman…
Kaunting kwento habang tayo’y salo-salo,
Kanya-kanya ang banat, walang magpapatalo;
Maya-maya ang lahat ay titigil at makikiramdam,
Sabay may hihirit, “Hoy, yung hotdog, magtira ka naman!”
Sige lang ang halo sa mainit-init pang kape,
Kasabay ng marahang ihip na namumutawi sa labi,
Luto na ang sinangag, ang dyaryong hawak iyo munang ilapag,
Alam mo na siguro kung bakit, ‘di na kailangan ng paliwanag…
Tara na’t salubungin natin ang bagong araw ng tama,
Hahayaan na lang ba nating sumablay agad ang simula?
…Ay, wag naman sana Ü